If there's one thing I need to learn, that is to wake up early without being bangag or grouchy. Anyway, enrollment kanina so I really had to wake up early. Di ko nga alam kung bat may gana pa kong mag blog at this time e. :))
Salamat sa pinsan kong super tiyaga na sumama sakin sa buong araw. Mycx, I owe you one. Pag may kotse na ko, ikaw naman ang ipapasyal ko. =))
Step 1: Please come on time.
So hindi siya nangyare kasi nga hindi ko talent ang gumising ng maaga at kumilos ng mabilis. Feeling ko kasi STC lang ang UST. Hindi talaga. Hinding hindi. :))
Step 2: Check your schedule (to be seen at your respective bldgs) so that your PE class would coincide with it.
So pumunta na kami sa Eng Bldg. Surprise! Wala dun yung shed ng freshies. Todo hanap pa kami kasi yun ang nakalagay sa instructions e (I know how to follow :P). Sabi nung guard, nasa Seminary Gymnasium daw yung pang freshmen. So.. off we go.
Step 3: Lumakad habang tirik na tirik ang araw papuntang Seminary Gymnasium
11:20 AM palang ng mga panahong to pero nagagalit na ang init ni Mr Sun. Di ko na kinakaya ang mga pangyayari dito palang. Pero syempre I'm not one to give up. :)) Bumili muna ng Biggie sa Wendy's para lumamig ang paligid. Nung papunta sa Gym, nakasalubong ko pa si Manel. Akala pa niya nanay ko si Mycx. Sige lang =)))))
Step 4: Choose your sport.
Finally, nakarating narin kami sa labas ng Gym. Medyo inanalyze ko talaga yung pipiliin kong PE dahil hindi ko pa alam schedule ko (wala kasing naka post, swear). Nang hula lang ako. Softball women, Monday 1-3 PM. Go go go!
Step 5: Submit conforme thing at the entrance
After pumili ng PE course, I confidently went to the gates of the freakin' gym. Pinakita ko na yung conforme ko (with confidence ha!) at cheran! Pahiya ako. Kasi walang pirma ng parent ko. Panic at the disco ako kasi umalis si Mycx, nag lakwacha. Ang dami ko pang naisip gawin, sabay sabay. Di ko tuloy alam kung ano ang tama.
A. Tawagan si Mycx at pag panggapin na siya yung guardian ko.
B. Tawagan si Mama at papuntahin siya sa UST (galing Intramuros) para pumirma.
C. Tawagan si Papa at papuntahin siya sa UST (galing Makati) para pumirma.
D. Wag na mag enroll at ipang shopping nalang yung perang hawak ko.
Syempre yung pinaka madali pinili ko, choice A. To the rescue naman si Ganda. :)) Habang pumipirma siya, nakita ko pa si EX (so, step 5.1, avoid ex at all costs). Anyway, nakumpleto na yung pirma so pinapasok na nila ako ;D
Step 6: Umupo sa labas ng gym at mag intay ng go signal para pumasok.
Akala ko naman smooth flowing na ang mga pangyayari once I got past those gates. Hindi pala. May limited number of people lang pala na pwede pumasok sa gym so kailangan naming pumila. Tick. Tock. Tick. Tock. Ang tagal ha. Ang init pa. And if there's one strange thing I noticed, at di ko alam kung praning lang ako, outnumbered ng male species ang girls. It's either di ako sanay makakita ng malaking number of guys or totoo talaga yung hinala ko. :P
Habang nag iintay, may nakatabi ako. Di ko alam pangalan niya. Let's call him White Guy. Kausap siya ng kausap sakin. Tanong ng tanong ng kung ano ano. Parang ako, dude, your guess is as good as mine. Pero syempre di ko pwede sabihin yun so nagpaka gentle woman naman ako at sinagot ko lahat ng tanong niya kahit na nung nag tetext ako ay tinatry niya maki chismis sa tinetext ko (and not in a subtle way, mind you).
Dahil ang tagal talaga ng mga pangyayari, nagpatugtog ng Jai Ho via the megaphone yung mga nagbabantay sa entrance. At dahil favorite song ko yun, medyo napapasayaw at napapakanta na ko. Kaso humirit yung isang nag babantay, "Akala niyo ba enrollment to? Audition to ng Pinoy Big Brother! O game, sayaw na!". I wished he was serious. Gusto ko sumayaw at kumanta nung mga panahong yun. :))
Step 7: Pumasok sa Gym and get everything over with.
Unang step, PE. Okay na yun kasi nakapili na ko. Malay ko bang wala akong pasok every Monday ano. Sabi tuloy nung helpful girl sakin, mag tuesday nalang daw ako. Edi sige :D
Before bumaba ng stage, may ROTC enlistment. Syempre game ako dun so kumuha ako ng form. Pwede naman daw fill up-an yun after nung enrollment.
Tapos assessment shizz na. Ayun at nakita ko na ang schedule ko. Nakakabliw siya, yun lang masasabi ko. : Pagkatpos nun, nagbayad na ko. I don't know how to handle cheques well so nung nagpa sign sila ng bank copy whatever, tinignan ko lang yung papel for 5 minutes not knowing what to do. :)) In the end, nanghula lang ako. Pero tama naman. Haha! Super nakaka kaba mag sulat sa cheque kasi bawal ang erasures, clumsy pa naman ako sa pag susulat :P So finally, panahon na para kunin ang OR at lumabas ng gym. ENROLLED NA KO! Taga UST na ko, for real :>
Step 8: Fill up-an ang ROTC form at isubmit sa ROTC place behind the grandstand
So nakalabas na ko ng gym. Sayang, aircon dun e. Sa labas super duper hooooot : Umupo kami sa somewhere para masulatan na yung form. Edi sulat all the way lang ako. Medyo nag panic ako nung tinatanong yung blood type kasi di ko talaga alam yung sakin. I texted my mom AND dad.
Nicole: Parents! Ano blood type ko?
Dad: Sorry I don't know.
After 3 hours..
Mom: Sorry I wasn;t able to reply. Di ko alam `nak. Sorry.
So syempre di ko inintay mag reply si Mama :)) Nilagay ko nalang "O". Bahala na si Bro. Kung maaksidente man ako, wag sana silang mag sasalin agad ng Type O. Kasi baka hindi pala yun yung blood type ko. Patay ako. :))
So pag dating namin sa ROTC place, may guy na nag bukas ng door. In fairnessssss, may itsura siya so medyo napatulala muna kami. Pero nakapag move on na kami agad kasi umalis na siya. :)) Nagulat ako kasi puro lalaki yung nandun. At gentlemen naman sila kasi pinauna na nila ako. Pero pagkakita ko dub sa listahan ang dami rin palang babae. Inattempt ko pa hanapin yung mga pangalan nila Mika at Tin pero may nakapila pa. :)) Sinukatan narin ako ng uniform dun. 28 daw yung waistline ko. Panic at the disco nanaman ako. Yun pala hindi waistline yung tinutukoy nila. =)))
Step 9: Pumunta sa Main Building para sa uniform at ID pic taking
Pagdating namin sa main building, naligaw na agad kami. Di na kasi namin inalala mag basa ng instructions or signs. Buti nalang ang galing ko. Weh. So pagdating sa pilahan para sa uniform, medyo di naman mahaba so go na kami. Kaso lunch break pala hanggang 1:30. E 12:45 palang nun. Ayoko pa magpakamatay so nagpa ID pic muna kami.
Shizz talaga. Ang pangit ko lang sa ID pic. I won't show anyone my ID, I swear. Nakakatakot. Bawal pala mag earrings dun! Ang arte ha. :)) Pero congrats me dahil nag suklay naman ako before maganap ang lahat. :>
Step 10: KUMAIN NG LUNCH. WOOOOO!
Sisig and Coke is LOVE :))))
Step 11: Bumalik na sa UST Main Building para sa uniform
Bumalik kami sa loob ng UST na refreshed at happy dahil busog na kami. Pagpasok namin sa Main Bldg, WHOA PARE. Todo na yung pila. Halos parang pila na sa Wowowee audience entrance or PBB auditions. Hindi ko pinangarap pumasok sa PBB or makita si Will kaya nag desisyon akong wag na munang bumili ng blouse. Bahala na si Bro. Makakabili din ako nun :>
Step 12: Pumunta ng mall
So hindi ko na ikkwento ang mga naganap sa mall dahil napaka haba na ng entry ko =)) Just to sum it all up, bumili ako ng pants para masabi ko namang bumili ako ng uniform kahit pano. Tapos syempre kumain nanaman kami. Napagdesisyunan din namin na manood ng sine. Night At The Museum 2 ang napag tripan namin. Natuwa ako, in fairness. May special appearance pa ang Jonas Brothers. ANG CUTE NILA SUHWEAAAAAAR. :">
--
So that was how my day went. Sobrang pagod at antok ako pero di ako makatulog. Siguro may nag iisip pa sakin :>
I really hope I would gain patience as the days go by. Napagtanto ko na di pwedeng mainit ulo lagi. I should learn how to keep my cool kasi wala akong papatunguhan kung lagi akong hindi chillaxed. :) Sana matutunan ko naring maging really friendly. Sana wag ako mamatay sa course na pinili ko. Sana maging masaya ako. EMOOOOO //-)