Joke lang. Muntik na.
Today is buy-your-uniform-day. At dahil dun, napilitan akong pumunta sa UST kahit na may banta ng A(H1N1). At malay ko bang uulan nanaman no, ang araw araw na kaninang umaga e.
First time kong mag commute mula bahay papuntang UST na walang kasamang adult. Pinilit ko lang si Mingy na sumama sakin dahil di ko pa talaga kaya mag isa. Mamamatay ako sa boredom, inassume ko.
Umalis kami ng bahay ng 12:30. Ang init init pa. At my golly ang haba ng biyahe. Dumating kami sa UST ng 1:45. Good luck nalang sakin sa pasukan. :)) Una kong pinuntahan yung main bldg kasi dun dati nag bebenta. Lumipat na pala. Sa kanya-kanyang bldg na nag bebenta. Edi pumunta na ko dun. Pag dating dun. NAKAKATAWA NG BONGGA.
So pagkatapos bumili ng uniform (actually, umorder palang dahil sa June 15 pa makukuha. The same day as the first day of classes. WEIRD KAYA!), I felt the urge to spend our money. Weh joke lang. Nagpasundo nalang ako kay Inay dahil ayoko na mag commute ng napaka haba. 4 pa siya matatapos. 2 palang nun. So kumain nalang kami ng Ceralicious. =p~ Nakakatawa pala pag umoorder dun.
Ceralicious Person: Ano po sa inyo, ma'am?
NT: Uhh.. Isang I-RONE MAN at isang MY BEST FRIEND'S PUDDING.
LOL. Hindi ko naman first time kumain dun. Pero first time na ako mismo yung umorder kaya kanina ko lang napansin na funny pala. =))
Syempre after nun di pa dumadating ang 4 PM so nag lakad lakad muna kami. Ang bait talaga ng kalangitan kasi biglang umulan kung kelan naman wala kaming dalang payong. Wuhoo. Yan tuloy stranded pa kami sa waiting shed shizz. Mga 30 minutes din kami dun ha. :-j Ang saya. Nung medyo tumila na, tinakbo na namin papuntang McDo. Salamat Bro! :))
We only had 105 pesos in our wallets. At dahil hindi naman kami pwedeng chumill sa labas dahil umuulan, nag stay kami sa McDo hanggang dumating si Inay. Syempre hindi naman pwedeng nakaupo lang kami dun ng walang kinakain or iniinom diba. Kaya napilitan kaming ubusin yung 105 DAHIL SWEAR ANG TAGAL NI MAMA. :|
Pero anyway. Dumating din naman siya ng mga quarter to five. Ang sakit na ng
10 million years kaming nag antay ng taxi sa may ospital. Bukod sa epal na pila, ang tagal dumating ng mga taxi. May dadating na isa. Tas siguro after 15 minutes dadating isa nanaman. And on and on and on...
Ngunit sa wakas! Nakauwi din ako. Ang sakit ng buong pagkatao ko. Nag sisimula na akong atakihin ng lagnat. Sana naman wag to tumuloy sa swine flu. Please lang. Can't afford bebeh. :))
--
Realization: Never again for shorts!! Pag pumupuntang UST :P
Note to self: Bumili ng mga pantalon. Mamigay ng ibang shorts. =)))))))
Another note to self: Magdala ng payong tuwing aalis ka.